Kris, Ang Sandata Ng Mga Lutao “Historia de las Islas de Mindanao, Jolo y sus Adjacentes” ni Francisco Combes, SJ Si Socsocan ng Basilan ay isa sa pinaka-sikat sa mga pinuno ni Corralat. Nakaibigan niya ang mga Español na tinulungan niya bilang pinuno ng mga Lutao sa hukbong Español. Sinabing ang pangalan niya ay katumbas ng “ang sumasaksak sa kuta o pangkat ng mga kalaban”... Si capitan Gaspar de Morales ay nahirang na admiral ng hukbong dagat ng Español sa Jolo, matapos siyang sumikat sa digmaan sa La Sabanilla at sa Jolo, kung saan siya nasugatan nang malubha. Ginawa siyang commandante, tapos governador ng kuta sa Jolo. Sikat sa giting bilang sundalo, sira siya at sukdulang makasalanan bilang governador. Sa kanyang pangahas at libog, dinukot niya ang anak na babae ni Dato Salibansa. Naghimagsik ang mga tagapulo at ito ang simula ng 200 taon ng pagka-hiwalay ng Jolo mula sa ibang kapuluan ng Pilipinas ... --Wenceslao E. Retana, 1897 | |
Ang karaniwang sandata ng mga katutubo ay ang pilipit na patalim na tinawag nilang “kris.” Ang talim nito ay may mga palamuti at maganda. Ang hawakan (puño, hilt) ay karaniwang inukit na buto (marfil, ivory) subalit para sa mga mayaman at mga pinuno, ito ay gawa sa ginto, nilalagyan pa minsan ng mga alahas at mga mamahaling bato (piedra, gems). Lubhang hinahangaan ang mga ito. May nakita ako minsan, sukbit-sukbit ni Socsocan na panginuon (lord) ng Samboangan (ang Zamboanga ngayon) nuong salakayin at sakupin ng ating hukbong Español. Sinabing ang halaga ng kris na iyon ay katumbas ng 10 alipin (esclavos, slaves). |
Linggo, Pebrero 27, 2011
KRIS (Mindanao Sword)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
MY ANALOGY:
TumugonBurahinWe all know that in Mindanao.,swords are famous.,but including this, there is a term which is being used in referring to that sword,,which is KRIS which means Mindanao sword..